Connect with us

Aklan News

MOTOR, SUMALPOK SA TRAYSIKEL 4 SUGATAN

Published

on

Image|©Flockie Joler(FB)

New Washington – Apat ang sugatan matapos sumalpok ang isang motorsiklo alas 7:50 kagabi sa may So. Naga, New Washington.

Nakilala ang mga biktimang mag-asawa na sina Diosdado Resos, 61 anyos, drayber ng traysikel at Lyn Resos, 57 anyos ng Mambog, Banga at ang mga nagmomotorsiklong sina Janjan Aguelo, 21 anyos at Marlon Traje,34 anyos parehong residente ng Brgy. Panayakan, Tangalan.

Base sa imbestigasyon ng New Washington PNP, galing Pob. New Washington papuntang Brgy. Cawayan sina Aguelo ng mag overtake sa isang traysikel subalit aksidente itong bumangga sa nakasalubong na traysikel na minamaneho ni Resos. Napag-alaman na lasing ang mga ito at Wala pang ilaw ang minamanehong motorsiklo.

Nawalan ng malay ang mga ito matapos magtamo ng malubhang pinsala sa ulo dulot ng pagkakasimplang sa kalsada habang sugatan din ang mag-asawa sanhi ng insedente.

Kaagad silang dinala sa ospital ng mga rumesponding taga MDRRMO at PDRRMO.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *