Connect with us

Aklan News

Lalaki sugatan matapos bugbogin, saksakin ng ilang kabataan

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos siyang bugbogin at saksakin ng ilang kabataan sa Brgy. Baybay, Roxas City, Capiz gabi ng Lunes.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Ramil Valenzuela, residente ng nasabing lugar.

Batay kay Kim, isa sa grupo ng mga kabataan, tinawag umano siya ng kanyang grupo para magresbak sa away.

Pahayag naman ni alyas Dodoy, binastos ng grupo ng biktima ang kaniyang nobya kaya nagkaroon umano ng mainit na diskusyon na nauwi sa kaguluhan.

Nabatid na nag-iinuman sa nasabing lugar ang grupo ng biktima at ang grupo ng mga menor de edad nang maganap ang insidente.

Nananatiling naka-confine sa Roxas Memorial Provincial Hospital si Valenzuela matapos magtamo ng sugat ng pananaksak sa kaniyang dibdib gamit ang bread knife.

Nagtamo rin ng bukol sa iba-ibang bahagi ng katawan ang biktima at pamamaga sa mukha.

Inimbitahan ng kapulisan ang tatlong mga menor de edad na responsable sa insidente. Pinalaya rin sila matapos mangako ang kanilang mga magulang na tutulong sa pagpapagamot sa biktima.

(KaTodo Ron/ KaTodo Darwin Tapayan)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *