Connect with us

Aklan News

KALIBO BJMP, ISINAILALIM SA GREYHOUND OPS

Published

on

Isinailalim sa operation greyhound nitong umaga ang BJMP o Bureau of Management and Penology sa Nalook, Kalibo.

Mismong ang mga organic personnel ng BJMP ang gumalugad sa 13 silid ng mga inmates kung saan narekober ang ilang lighter, baraha, toothbrush, takip ng electric fan at improvised ash tray.

Maliban sa paggalugad, isinailalim din sa surprised drug testing ang 36 na mga inmates at tauhan ng BJMP.

Ayon kay BJMP Warden Felix Sariana, magiging kada buwan ang nasabing oplan galugad upang matiyak na walang mga kontrabando at iba pang bagay na magiging banta sa kaligtasan ng mga inmates na makakapasok doon.

Samantala, tumagal ng mahigit-kumulang 1oras ang operation greyhound ng BJMP kasama ang Kalibo PNP at SWAT na naglaan ng seguridad sa lugar.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *