Connect with us

Aklan News

Isa pang akusado sa Forex investment scam arestado sa Pres. Roxas, Capiz

Published

on

Arestado ang isa pang akusado sa likod ng kontrobersiyal na Forex investment scam sa Brgy. Poblacion, Pres. Roxas City, Capiz hapon ng Lunes.

Kinilala ang akusado na si Lito Burias, 36 anyos, residente ng Sitio Arcabalo, Brgy. Bolo, Roxas City.

Si Burias ay sinerbehan ng warrant of arrest sa kasong Syndicated Estafa na ibinaba ng Regional Trial Court noong Agosto 28, 2019.

Walang itinakdang pyansa ang korte para temporaryong makalaya ang akusado.

Matatandaan na una nang inaresto ng kapulisan ang FOREX investment scam queen na si Lourdes Baarde ng Brgy. Baybay, Roxas City at Joel Domayan ng Quezon City.

Nabatid na nasa 800 investors ang kanilang naloko sa Forex Investments sa pangakong 25 percent monthly interest.

Kasama rin sa mga akusado sa kasong Syndicated Estafa sina Rachel Chavez at Rebecca Venturado ng Mandaluyong City at Gerlinski Bravo ng Alcazar Subdivision, Roxas City.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *