Connect with us

Aklan News

BINATILYO, SINAKSAK NG GUNTING

Published

on

Boracay – Sinaksak ng gunting sa likod ng 17 anyos ang nakursunadahang 15 anyos din na binatilyo alas 7 kagabi sa may So. Diniwid,Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktimang si Mark Reyes samantalang kinilala naman ang suspek na si Jasper Bernaldo lahat residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa report, pauwi na kagabi ang biktima galing sa isang mall kasama ang kanyang kapatid subalit pagdating umano sa madilim na bahagi ng eskinita papasok ng Diniwid ay inabangan sila ng suspek at walang kumprontasyon na sinaksak ng gunting ang biktima na tinama sa likod na parte ng katawan.

Wala ring masabi na dahilan ang biktima kung bakit siya sinaksak ng suspek, maliban sa nakita umano nitong ilang araw na, na lasing ang suspek.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima habang patuloy pa ang manhunt ng mga pulis sa suspek na tumakas pagkatapos ng insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *