Connect with us

Aklan News

38-anyos na lalaki timbog sa ‘pagtutulak’ ng iligal na droga sa Pres. Roxas, Capiz

Published

on

Timbog ang lalaking ito na kinilalang si Domingo Alonzo ng Sitio Little Tondo, Brgy. Poblacion, Pres. Roxas, Capiz matapos maaktuhang nagtutulak ng pinaniniwalaang droga.

Ang 38-anyos na suspek ay nahuli sa pamamagitan ng buy bust operation na ikinasa ng kapulisan sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan gabi ng Lunes.

Nasabat sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, Php1,000 buybust money at isang cellphone.

Nasa pangangalaga ngayon ng kapulisan ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na dati nang nakulong ang suspek dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga pero nakalaya noong Abril 2019 dahil sa plea bargaining program ng gobyerno.

Ang operasyon ay ikinasa sa pangunguna ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) kasama ang mga tauhan ng Pres. Roxas PNP, Pontevedra PNP, at Pilar PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *