Connect with us

Aklan News

28-anyos na lalaki sugatan matapos saksakin ng kaaway; suspek arestado

Published

on

Nagtamo ng sugat ng saksak sa tiyan ang isang 28-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng dati niyang kaaway sa Brgy. Culasi, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Ronel Basas, 28-anyos, isang pintor, habang ang suspek ay si Landino Tacud, 48, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, nakatambay sa tindahan ang biktima nang dumating ang suspek na may bitbit na matulis na bakal at sinaksak ang biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente habang isinugod naman sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang biktima para gamutin.

Kalaunan sumuko rin ang suspek sa kapulisan at nasabat sa kanya ang isang pointed steel bar na ginamit sa insidente.

Pansamantalang ikinulong sa lock-up cell ng Roxas City PNP Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Dating away at kalasingan ang tinuturong motibo ng kapulisan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *