Connect with us

Aklan News

2 arestado sa buy bust operation sa Roxas City; 8 sachet ng shabu, baril nasabat

Published

on

Arestado ang isang lalake at isang babae sa buy bust operation sa Roxas City Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Anthony Asiatico, 32-anyos, may live-in partner at residente ng Brgy. Tanque, Roxas City; at Jesa Acutillar, 21, residente ng Brgy Dayao Roxas City sa Banica Homes, New Road Brgy. Banica, Roxas City.

Nasabat ng kapulisan ang walong transparent sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu mula sa lalaking suspek at Php1,000 marked money.

Kinumpiska rin ang iba-ibang drug paraphernalia, motorsiklo, cellphone at isang 357 revolver na may limang live ammunition mula sa suspek.

Nabatid na ang lalaking suspek ay nasa listahan ng Directorate for Intelligence ng kapulisan.

Tinatayang 11 gramo o kaunti pa ang timbang ng mga sachet ng droga na nasabat mula sa suspek o tinatayang nagkakahalaga ng Php143,000.

Pansamantalang nakakulong sa lock-up cell ng Roxas City PNP at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs at Firearms and Ammunition Law.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *