Connect with us

Aklan News

Lalaki patay matapos barilin ng bayaw sa Jamindan, Capiz

Published

on

Patay ang isang 43-anyos na mister matapos barilin ng kanyang bayaw sa Brgy. San Juan, Jamindan, Capiz.

Kinilala sa ulat ng Jamindan PNP ang biktima na si Roberto Sonio ng Brgy. Pasal-o, Jamindan.

Habang ang suspek ay kinilala namang si Danilo Mauricio, 45-anyos, residente ng Brgy. San Juan sa parehong munisipalidad.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, sumugod ang biktima sa bahay ng suspek kung saan sila nagkaroon ng mainit na pagtatalo.

Sa galit ng suspek ay kumuha ito ng isang homemade shotgun, binaril ang biktima na nagtamo ng malubhang sugat sa kanyang mukha.

Mabilis na isinugod ang biktima sa ospital pero binawian rin ng buhay habang ginagamot doon.

Mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang insidente.

Pinaniniwalaang dating alitan ang motibo sa krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *