Connect with us

Aklan News

Lalaki na may stage 4 cancer at kasintahan nagpasakasal sa Panay, Capiz

Published

on

Photo credits to the owner.

Walang anumang pagsubok ang pwedeng humadlang sa tunay na nagmamahalan.

Patunay rito ang magkasintahang sina Marwin Custodio, 27-anyos, at Mabel Custodio ng Brgy. Cogon Ilawod, Panay na nagpakasal sa kabila ng malubhang karamdaman ng lalaki.

Nabatid na nasa dalawang taon nang nakikipagbuno sa sakit na osteosarcoma stage 4 cancer si Marwin.

Aniya nagpapakatatag siya para sa kanyang asawa at dalawang anak – edad anim at isang taong gulang.

Ikinasal sila nito lamang Nobyembre 23 sa kanilang bahay kung saan nasa higaan lang ang lalaki at may nakadikit pang dextrose sa kanyang ilong.

Kapansin-pansin ang pagiging emosyonal ng mga dumalo at parehong pamilya ng dalawa, mga kaibigan at mga kakilala.

Sa kabila nito, natutuwa sila at humahanga sa desisyon nina Marwin at Mabel.

Nabatid na nasa walong taon nang nagsasama ang mag-asawa bago nagpakasal.

Ayon sa babae, inuna daw nila ang pagpapagamot kay Marwin.

Sa huli, nagdesisyon rin si Marwin na pakasalan ang asawa para aniya maging legal ang kanilang pagsasama.

Sa kabila ng pagsubok na kinahaharap ng mag-asawa, nananatili silang matatag at sumasampalataya sa Diyos.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *