Connect with us

Aklan News

Lalaki kritikal matapos tinaga ng pamangkin sa Cuartero, Capiz

Published

on

Kritikal ang lagay ng isang 43-anyos na lalaki matapos siyang tagain ng kanyang pamangkin sa Brgy. Lunayan, Cuartero, Capiz.

Kinilala sa report ng Cuartero PNP ang biktima na si Renante Falcis habang ang suspek ay kinilala namang si John Paul Falcis, 26-anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nag-uusap ang biktima sa isa niyang pinsan sa gilid ng kalsada nang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo.

Agad umanong tinaga ng suspek ang biktima na nagtamo ng malubhang sugat sa kanyang balikat.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente habang isinugod naman sa ospital ang biktima. Pinaniniwalaang dating hindi pagkakaintindihan ang motibo sa krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *