Connect with us

Aklan News

Estudyante sugatan nang mahit and run ng motorsiklo sa Roxas City

Published

on

Sugatan ang isang 19-anyos na si Michael Tobillo matapos mabundol ng motorsiklo ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Magallanes St., Brgy. 3, Roxas City madaling araw ng Lunes.

Batay sa ulat ng Roxas City PNP, binabaybay ng biktima ang kalsada patungong San Roque Road Extension sakay ng motorsiklo nang mabundol siya ng isa pang motorsiklo.

Dahil dito natumba sa kalsada ang menamaneho niyang motorsiklo at nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan kabilang na sa kanyang ulo.

Agad siyang dinala sa ospital para magamot habang tumakas naman ang hindi pa nakikilalang driver ng isang motorsiklo matapos ang aksidente.

Nabatid na ang biktima ay isang first year college student at residente ng Sitio Homesite, Brgy. Lawa-an, Roxas City.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *