Connect with us

Aklan News

DAHIL SA CELLPHONE, PAMANGKIN TINAGA NI TIYUHIN

Published

on

Banga, Aklan – Tama sa mukha ang natamo ng biktima matapos tagain ng kanyang tiyuhin dahil lamang sa cellphone dakong alas-8 kagabi sa Brgy. Toralba, Banga.

Kinilala ang biktimang si Christopher Magdael, 30 anyos, habang ang suspek na kanyang tiyuhin ay kinilalang si Miguel Montayre, nasa legal na edad kapwa mga residente ng naturang baranggay.

Nabatid na nag-ugat ang away ng dalawa sa down payment ng cellphone na hindi nabayaran ng suspek.

Ayon sa biktima, siningil niya ang kanyang tiyuhin subalit nagalit ito hanggang sa nagkainitan kung saan kumuha ng itak ang kanyang tiyuhin at tinaga siya.

Ayon naman sa imbestigasyon ng Banga PNP, sumugod ang biktima sa bahay ng suspek at pinagbabato ito na ikinagalit ng huli na nauwi sa pananaga.

Nananatiling at-large ang suspek hanggang sa ngayon matapos na agad na tumakas  pagkatapos ng insidente samantalang patuloy naman na  ginagamot sa ospital ang biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *