Connect with us

Aklan News

BINATA, BINUGBOG

Published

on

Kalibo, Aklan – Bugbog-sarado ang isang 22 anyos na lalaki makaraang pagtulungang gulpihin ng apat na di kilalang kalalakihan dakong alas-4 kaninang madaling araw sa may Osmeña Avenue, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Wowie Apolinario Nabor, tubong Medina, Madalag at pansamantalang nakatira sa Brgy. Tigayon, Kalibo na nagtamo ng mga sugat sa mukha at ibang parte ng katawan.

Sa imbestigasyon nga mga rumesponding kapulisan, lumalabas na naglalakad  na pauwi galing sa isang bar ang biktima nang tambangan ito ng apat na mga suspek at pinagtulungang bugbogin.

Maswerte lamang na nakatakas ang biktimang kumaripas ng takbo sa isang convenient store kung saan nakahingi ng tulong.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkilanlan ng mga salarin.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *