Connect with us

Aklan News

14-anyos na lalaki nanaga sa Pontevedra, Capiz; dalawang ginang sugatan

Published

on

Sugatan ang dalawang ginang sa Binuntucan, Pontevedra, Capiz matapos pagtatagain ng isang 14-anyos na lalaki umaga ng Lunes.

Kinilala ang mga sugatan na sina Helen Opina, 50-anyos, at Analyn Cintos, 42, mga redidente ng nasabing lugar.

Napag-alaman na magnanakaw sana ang menor de edad na si “Jordan” sa tindahan na binabantayan ni Opina pero pinagtataga niya ang bantay matapos siyang matunugan.

Natamaan sa kanyang hita at balikat si Opina.

Tinaga rin ng menor de edad ang kustomer na si Cintos na nagtamo naman ng sugat sa likod at sa kamay.

Agad na isinugod sa Bailan District Hospital ang mga biktima.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga otoridad ang menor de edad.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *