Connect with us

Aklan News

LALAKING WANTED SA KASONG PANGGAHASA, ARESTADO

Published

on

Arestado bandang alas 12:25 kaninang hapon sa Poblacion, Ibajay ang isang lalaking wanted sa kasong rape o panggagahasa.
Nakilala ang akusadong si Maximiano Laumoc Oczon, 22 anyos ng Aquino, Ibajay.
Kasama ang Nabas PNP at CIDG, isinilbi ng Ibajay PNP sa akusado ang warrant of arrest na may criminal case number 14773, na nilagdaan at ibinaba ni Presiding Judge Bienvinido P.Barrios Jr., ng Branch 3, RTC 6, Kalibo noong April 4, 2019.
Pansamantalang ikinostodiya sa Ibajay PNP si Oczon para sa karampatang disposisyon at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, nabatid mula sa Ibajay PNP na sa Ibajay din mismo nangyari ang krimen noon pang nakaraang taon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *