Connect with us

Aklan News

DAHIL SA MADULAS NA KALSADA, PICK UP BUMANGGA SA POSTE

Published

on

Jericho Fernandez

Batan – Nagtamo ng matinding pinsala ang isang pick up matapos aksidenteng bumangga sa poste mag-aalas 9:00 kagabi sa Cabugao, Batan dahil sa madulas na kalsada dulot ng malakas na ulan.

Ayon sa salaysay ng driver nitong si Mike Jorenz Rematares Hiligan, 24 anyos na tubong Bolinawan, Carcar City, Cebu, sa Batan PNP, galing umano sila ng 3 pa niyang kasama sa Mambusao, Capiz papuntang Kalibo nang mawalan umano siya ng kontrol sa pagmamaneho dahil sa madulas at kurbadang kalsada sa may bandang Brgy. Cabugao, Batan at
bumangga sila sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng pagkakabangga, nabali ang poste at nagtamo rin ng matinding pinsala ang nasabing sasakyan.

Maswerte namang walang nasaktan sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *