Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO NG ESTUDYANTE, NAGLIYAB

Published

on

Kalibo – Nasunog ang motorsiklo ng isang estudyante mag-a alas 6:00 nitong gabi lamang sa parking area ng Garcia College of Technology Annex, sa Osmeña Avenue, Kalibo.

Nakilala ang estudyanteng si Khynnyth Hao Servañez, 18 anyos ng Linabuan Norte, Kalibo.

Nabatid na pinaandar nito ang kanyang motorsiklo, subalit bigla na lamang itong lumiyab at tuluyang nilamon ng apoy.

Ayon kay FO1 Zandro Fernando ng Bureau of Fire Kalibo, nag-overflow ang gasolina ng motorsiklo hanggang sa spark plug na siyang dahilan ng pag apoy.

Samantala, hindi naman nasaktan o nasugatan ang estudyante sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *