Connect with us

Aklan News

LALAKI NASUNOG SA NAGLIYAB NA LPG TANK

Published

on

Malay, Aklan – Nagtamo ng second degree burn ang isang lalaki makaraang magliyab ang tangke ng LPG sa Boracay, alas-5 ng umaga nitong Huwebes.

Sunog ang mukha at piling bahagi ng katawan ng biktimang si Jeopo Agustin, 50 anyos, ng San Jose, Romblon na nagtatrabaho bilang boat man sa Boracay.

Ayon sa biktima, binuksan niya ang LPG tank para mag-init ng tubig subalit hindi ito gumana kaya’t sinubukan niyang gamitan ng lighter na nagresulta upang sumiklab ang apoy.

Maswerteng nakaligtas ang biktima matapos saklolohan ng kanyang mga kasama at dagling dinala sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *