Connect with us

Aklan News

KUSINERONG WANTED SA PAGLABAG SA ANTI-SMOKING ORDINANCE, NAARESTO

Published

on

Numancia, Aklan – Inaresto ng mga kapulisan ang isang 40 anyos na lalaki kahapon sa Brgy. Bubog, Numancia.

Kinilala ang naarestong si Allan dela Cruz Rizan isang kusinero at residente ng naturang lugar.

Dinampot si Rizan sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag ng section 5 (A) ng Municipal Ordinance 2016-008 o Anti-Smoking Ordinance sa bayan ng Kalibo.

Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Alicia Cruz-Barrios, Presiding Judge ng Municipal Trial Court ng Kalibo na may petsang Nobyembre 5, 2019 at may kaukulang piyansang Php.1,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nakalaya naman ang suspek matapos na makapagpiyansa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *