Connect with us

Aklan News

29-anyos na lalaki balik-kulungan matapos masangkot sa iligal na droga

Published

on

Arestado ang lalaking ito na kinilalang si Junrose Gricalda, 29-anyos, sa Sitio Urban, Brgy. Milibili, Roxas City, matapos makuhanan ng pinaniniwalaang shabu.

Ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang buy bust operation kasama ang mga tauhan ng Roxas City PNP at Philippine Drug Enforcement Agency hapon ng Biyernes.

Nasabat ng mga otoridad ang dalawang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu mula sa suspek, Php500 buy bust money, mga drug paraphernalias, at cellphone.

Napag-alaman mula kay PDEU PltCol Julius Balano ng PDEU na dati nang nakulong sa parehong kaso ang nasabing suspek pero nakalaya matapos makakuha ng plea bargaining.

Nabatid na isang linggo nang minamanmanan ng kapulisan ang suspek.

Todo tanggi naman ang suspek na kanya ang mga narekober na droga.

Nakatakbo pa ito nang matunugan na pulis ang kanyang nabentahan ng droga pero tumigil nang magpaputok ang operatiba.

Hawak na ngayon ng kapulisan ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(KaTodo Butchoy/ KaTodo Darwin Tapayan)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *