Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL DRIVER, KALABOSO MATAPOS MAGPAHABOL SA MGA PULIS

Published

on

Kalibo, Aklan – Kalaboso ang inabot ng isang traysikel drayber matapos magpahabol sa mga pulis pasado alas 6:00 kagabi sa national highway ng Osmeña Ave., Estancia, Kalibo.

Nakilala ang driver na si Mark Jay Lloyd Rebutala, sa legal na edad.

Ayon sa Kalibo PNP, nasa Osmeña Ave. ang mga pulis para sa implementasyon ng traffic discipline nang mapadaan ang nasabing traysikel driver.

Sa halip na magminor ng takbo, pinaharurot umano ng driver ang kanyang sasakyan, rason na hinabol siya ng mga pulis.

Nakorner siya ng mga ito sa bahagi ng JNC Martelino St., Andagao, subalit muli umano nitong pinatako ang traysikel dahilan naman upang sawayin siya ng dalawa niyang pasahero.

Hindi umano nakinig si Rebutala at nagpatuloy sa pagmaniobra, subalit aksidente namang bumangga sa likod ng patrol car ng pulis  dahilan upang  magtalunan ang kanyang pasahero.

Hinanapan si Rebutala ng kanyang lisensya at prangkisa subalit wala itong maipakita.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *