Aklan News
TINDAHAN NG MGA POULTRY PRODUCTS, NASUNOG

Published
1 year agoon

KALIBO-Natupok ang isang tindahan ng poultry products bandang alas 7:00 nitong gabi sa Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo.
Bagama’t inaalam pa ang sanhi ng sunog, tinatayang umaabot sa 1Milyong piso ang halaga ng mga nasunog na mga paninda at ari-arian doon na pinagmamay-ari ni Edgardo Sta. Maria na taga Guimaras.
Ayon sa manager nitong si Patrcio Valentin, laman ng nasabing tindahan ang mga feeds, bigas, mais at maging gulong ng mga sasakyan at mga 45 days na mga sisiw.
Samantala kaagad namang naapula ng mga bombero kasama ang ilan pang responders ang sunog at naideklarang fire out bandang alas 7:46.
Kinumpirma naman ng Bureau of Fire-Kalibo na hindi naman nasunog ang katabi nitong Yusay Credit and Finance Corporation.
You may like
-
MGA KALIBONHON, WALANG DAPAT IKABAHALA SA BAKUNA – MAYOR LACHICA
-
24 HOUSING UNITS, NAIBIGAY NA SA MGA NABIKTIMA NG YOLANDA SA KALIBO
-
4 KATAO KABILANG ANG 1 MENOR-DE-EDAD, KALABOSO SA ILEGAL NA SUGAL
-
RIDER NG MOTORSIKLO, BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, PATAY
-
COVID CASES SA KALIBO, TUMAAS NA NAMAN
-
3 SUGATAN SA MAGKAHIWALAY NA AKSIDENTE SA KALSADA