Kalibo, Aklan – Lumanding sa ospital ang isang motorista
matapos bumangga sa nakaparadang truck bandang alas 9:30 kagabi sa Osmeña
Avenue., Estancia, Kalibo.
Nakilala ang biktimang si Aldeo De Joseph Fuentes, 32 anyos
ng Poblacion-Interior, Kalibo.
Ayon sa Kalibo PNP, galing Banga papuntang Poblacion, Kalibo
ang biktima nang aksidenteng bumangga sa nakaparadang drop side truck na
minamaneho ni John Paul Macial Saburan, 20 anyos ng Tulahong, Maasin, Iloilo.
Resulta, tumumba sa kalsada ang biktima at nagtamo ng sugat
sa katawan na kaagad namang dinala sa ospital.