Connect with us

Aklan News

MOTOR SUMEMPLANG, DRAYBER SUGATAN

Published

on

Numancia, Aklan – Sumemplang sa motorsiklo ang isang 32 anyos na lalaki dakong alas 12:00 kagabi sa Brgy. Poblacion, Numancia.

Ang biktima ay nakilalang si Jessie Bonifacio Delos Santos, binata at residente ng Brgy. Tambak, New Washington.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, lulan ng motorsiklo papunta sa direksyon ng Kalibo si Delos Santos nang sumalpok sa kurbada malapit sa isang establisemento sa nasabing lugar.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo, kanang paa at katawan ang biktima na mabilis na sinugod sa ospital ng mga rumesponding kapulisan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *