Connect with us

Aklan News

Engineer inireklamo sa Roxas City PNP matapos pagsusuntukin ang pintor

Published

on

Namaga ang mata at dumugo ang tenga ng isang pintor matapos umano siyang pagsusuntukin ng isang engineer sa Roxas City.

Kinilala sa ulat ng Roxas City PNP ang nagrereklamo na si Salvador Deita, 55 anyos, isang pintor, residente ng Brgy. Jumaguicjic Roxas City.

Habang ang suspek ay kinilala namang si Engr. Rodel Cabantugan ng Brgy. Adlawan, Roxas City.

Batay sa reklamo ng pintor, nagpapinta umano ng kanyang sasakyan ang engineer at nangakong magbabayad ng Php8,000.

Subalit ayon sa nagrereklamo, hindi pa natatapos ang transaksyon at mapintahan ang sasakyan ay bumalik na ang engineer at gustong bawiin ang sasakyan.

Nang usisain ng pintor ang engineer ay nagalit umano ito at pinagsusuntok sa mukha ang biktima.

Minabuti nalang ng pintor na iparekord ang insidente sa kapulisan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *