Connect with us

Aklan News

Lola na Hit and Run

Published

on

Numancia, Aklan – lsang 66 anyos na lola ang nabundol ng isang motorsiklo dakong alas 4:45 ng kahapon sa national high-way ng Brgy. Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Susan Ramos Tesoro at residente ng Brgy. Poblacion, Numancia na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan at mabilis na dinala sa Aklan Provincial Hospital na kalaunan ay nilipat sa isang pribadong ospital.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, na ang biktima ay tumawid ng kalsada at aksidenteng nabangga ng isang motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa mga nakakita, nakasuot ng pulang helmet at kulay green na jacket habang ang di kilalang drayber ng motorsiklo na may temporary plate number na 060105.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *