Connect with us

Aklan News

LALAKING NANUTOK AT NAGPAPUTOK NG BARIL NAHULIHAN PA NG MARIJUANA, ARESTADO

Published

on

Kalibo – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril at marijuana pasado alas 12:00 kaninang hatinggabi sa Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Resmar Inserto Patinio, 22 anyos ng Old Buswang, Kalibo na sinasabing nanutok ng baril bandang alas 11:00 kagabi sa Toting Reyes St., sa nagreklamong si Roque Laserna Ricamonte, 26 anyos ng Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo.

Agad na nirespondihan ni Police Staff Sergeant Benjie Sarabia ng Kalibo PNP ang reklamo ni Ricamonte rason na naispatan umano nito ang nagmomotorsiklong suspek patungong New Buswang.

Inobertekan niya umano ito, pinahinto at nagpakilalang pulis, subalit kaagad umanong pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo.

Hinabol ito ng pulis, subalit lumiko ang suspek sa bahagi ng Dela Cruz House Piña at hinintay saka pinaputukan ang nasabing pulis.

Dahil dito, bumunot na rin ng kanyang service firearm si Sarabia at tinutukan ang suspek sabay muling nagpakilalang pulis.

Kasunod nito, naaresto rin ni Sarabia si Patinio hanggang sa dumating ang mga rumespondeng otoridad.

Samantala, narekober kay Patinio ang kanyang homemade hand gun pati na ang kanyang camouflage bag na naglalaman ng hinihinalang mga tuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa plastic

Kaagad siyang dinala sa Kalibo PNP Station kung saan siya ikinustodiya para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *