Connect with us

Aklan News

WANTED SA PAGLABAG SA ANTI-SMOKING ORDINANCE, ARESTADO

Published

on

Malinao – Inaresto ang isang lalaking wanted sa kasong paglabag sa Anti-smokibg Ordinance ng Kalibo alas 11:15 kaninang tanghali sa Brgy. Cogon, Malinao.

Kinilala ng Malinao PNP ang akusadong si Abundio Tambong Yarsa, 65 anyos, residente ng nadabing baranggay.

Isinilbi ng Malinao PNP sa akusado ang warrant of arrest na ibinaba ni Presiding Judge Alicia A. Cruz Barrios ng MCTC, Kalibo nito lamang nakaraang November 12, 2019.

Kaagad naman umanong nakapagpiyansa ng halagang P1,000.00 si Yarsa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *