Connect with us

Aklan News

MALAY PNP, MAY BAGO NA NAMANG COP

Published

on

Photo| Iloilo city proper Psmu

Malay, Aklan – Uupo na sa susunod na linggo ang bagong hepe ng Malay Police Station.

Siya ay si Police Lieutenant Colonel Jonathan Pa-ac Pablito na siyang papalit kay PMaj. Jess Baylon.

Si PLCol. Pablito ay dating station commander ng Iloilo City Station 1, na assigned bilang chief ng Strategy Review Branch ng Regional Police Strategy Management Unit sa Iloilo na siyang nagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030.

Ang Malay ay may limang sub-stations sa Boracay at mainland Malay, tatlo dito ay makikita sa brgy. Balabag, Yapak at Manocmanoc.                                        

Si PMaj. Baylon ay muling mare-reassign sa Police Regional Office 6, Iloilo City matapos magsilbing chief ng Malay MPS noong June 2019.          

Maaalala na nagsilbing hepe si PMaj. Baylon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) pa noong August 2016 bago nalipat sa PRO 6 bilang aide-de-camp ni PBrig. John Bulalacao dalawang taon na ang nakakaraan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *