Connect with us

Aklan News

LALAKING NAG-AMOK, PATAY SA PAMAMARIL NG MGA RUMESPONDENG PULIS

Published

on

Photo from the web.

Patay sa pamamaril ng mga rumespondeng pulis ang isang lalaking nag-amok umano bandang alas 10:00 kagabi sa Sitio Libas, Alas-as, Madalag.

Nakilala ang lalaking nag-amok na si Alan Nacuspag Nabiong, 37 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa chief investigator ng Madalag PNP na si Police Master Sergeant Rufino Donato Jr., nirespondehan nila ang paghingi ng police assistance mula kay Marlito Castro doon din sa lugar.

Sa pagresponde, sinasabing tumawid sa ilog ang kanilang grupo na kinabibilangan ng nasabing imbistigador, Police Chief Master Sergeant Blas Nahil, Police Staff Sergeant Fidelino Ricablanca Jr., at Police Staff Sergeant Jomark Donato.

Pagsampa mula sa ilog, lumapit umano sa kanila ang may hawak na itak na si Nabiong nang makita silang nagpa flashlight.

Nagpakilala umano ang mga pulis, subali’t sumagot umano itong “walang pulis pulis…papatayin ko kayo”.

Tinangka din umano nitong tagain si Police Staff Sergeant Jomark Donato, rason na pinaputukan ito ng pinsang si Police Master Sergeant Rufino Donato subali’t hindi umano pumutok ang kanyang M16. Nagreload umano siya, subali’t siya naman umano sana ang tatagain ni Nabiong nang mapansin ang pagreload at pagkasa ni master sergeant Donato.

Dahil dito, doon na umano muling pinaputukan sa paa ni master sergeant Donato ang biktima at doon na rin nagpaputok ang kanyang mga kasama dahilan ng mga tama ng pamamaril sa kanyang katawan.

Isinugod pa umano nila sa ospital si Nabiong, subali’t idineklara itong dead on arrival dakong alas-11:30 kagabi.

Samantala, nabatid sa pag-iimbistiga nga mga pulis na nag-amok si Nabiong bago makaengkuwentro ang mga rumespondeng pulis, at may tatlong bahay umano itong pinagtataga kagabi.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *