Connect with us

Aklan News

20-anyos na lalaki binaril ng kanyang tiyo sa Cuartero, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang 20-anyos na lalaki matapos barilin ng kaniyang tiyo sa Sitio Pukatod, Brgy. Sinabsaban, Cuartero, Capiz gabi ng Lunes.

Kinilala sa ulat ng Cuartero PNP ang biktima na si Justine Balonzo habang ang suspek ay si Juanito Peral, 59, isang magsasaka, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at ang kapatid nito na si Jovie dahil sa dating alitan.

Pagdaan umano ng biktima sa harap ng bahay ng suspek ay nakarinig ito ng putok ng baril at tinamaan ng bala sa kanyang dibdib at balikat.

Agad na isinugod ng kaniyang pamilya ang biktima sa Bailan District Hospital para magamot. Habang naaresto naman ng kapulisan ang suspek.

Nasabat ng kapulisan sa suspek ang isang homemade pistolized single shot 5.56MM (M16) armalite na may lamang isang bala.

Samantala, pinag-iigihan pa ng kapulisan ang imbestigasyon matapos na lumabas sa ulat ng doktor na may mga ‘bolitas’ na nakuha sa katawan ng biktima.

Ayon sa kapulisan, hindi ito tugma sa baril na narekober nila mula sa suspek.

(Katodo Butchoy/ Katodo Darwin Tapayan)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *