Connect with us

Aklan News

Estudyante patay matapos bumangga ang motorsiklo sa nakatambak na lupa

Published

on

Patay ang isang estudyante sa Sitio Masiid, Brgy. Agkilo, Panitan, Capiz matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa nakatambak na lupa.

Kinilala ang biktima na si Omark Vasquez, 18-anyos, 1st year college at residente ng Brgy. Tabuc Sur, Panitan, Capiz.

Batay sa ulat ng Tapaz PNP, Biyernes ng hapon habang nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima nang nawalan umano ito ng kontrol at bumangga sa nakatambak na lupa.

Nagtamo siya ng malubhang sugat sa katawan at agad na isinugod sa Capiz Doctors Hospital sa Roxas City.

Ayon sa doktor na sumuri sa biktima hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *