Connect with us

Aklan News

Dalawang top most wanted person ng Tapaz, Capiz sa kasong murder, arestado

Published

on

Arestado ang dalawang top most wanted person ng Tapaz, Capiz sa kasong murder sa Brgy. Agpalali hapon ng Linggo.

Kinilala ang mga akusado na sina Terso Felomino, 42-anyos, Rank No. 8 Top Most Wanted Person; at Reniel Felomino, 23, Rank No. 6 Top Most Wanted Person.

Ang mga akusado ay pawang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) – Capiz at Tapaz PNP.

Ang kanilang warrant of arrest ay ibinaba ni Judith Orendain-Tonogbanua, Acting Presiding Judge, 6th Judicial Region, Regional Trial Court 6, Branch 20.

Nasa pangangalaga ngayon ng CIDG ang dalawa at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Walang itinakdang pyansa para sila ay pansamantalang makalaya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *