Connect with us

Aklan News

Bangkay ni 2nd Lieutenant Aguilar dumating na sa Roxas City, Capiz

Published

on

Nakaburol na ngayon sa kanilang bahay sa Brgy. Milibili, Roxas City, Capiz ang bangkay ng military nurse na si 2nd Lieutenant Jennett Aguilar.

Dumating ang bangkay ni Aguilar umaga ng Linggo sa Roxas City Airport. Sa ngayon, wala pang petsa kung kelan ang libing ng 31-anyos na military nurse.

Matatandaan na sinaksak ng suspek na si John Louie Brosas, isang construction worker at residente ng Brgy. Comembo, Makati ang biktima dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa ulat, madaling araw ng Nobyembre 14 nag-aabang ng jeep ang biktima nang agawin ng suspek ang cellphone niya.

Nagpumilit umano ang biktima kaya siya pinagsasaksak ng 19-anyos na suspek.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay roon matapos magtamo ng malubhang sugat ng saksak sa dibdib.

Naaresto naman ng kapulisan ang suspek.

Sisiguraduhin ng pamilya ng biktima na pagdudusahan ng suspek ang nagawang krimen sa kulungan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *