Connect with us

Aklan News

ARI NG BATA, GINILIT NG BUANG

Published

on

Kalibo, Aklan – NALASLAS ang ari ng isang 2 taong gulang na bata matapos gilitin ng blade ng isang lalakeng may deperensya ang pag iisip sa Purok 2, C. Laserna, Poblacion pasado alas 2 kaninang hapon.

Ayon sa kwento ng tatay ng bata (hindi nanamon papangalanan), iniwan nya ang bata sa kanilang bahay habang ito ay natutulog.

Pumasok ang suspek na kinilalang si Nonoy at nakita na lamang ng mga tao na lumabas ito at duguan.

Agad nilang pinuntahan san loob ng bahay ang umiiyak na bata at nakita nilang may sugat ang ari nito.

Agad nila itong dinala sa hospital at mabuting hindi naman naputol ang ari ng bata.

Bandang alas 4 ay nahuli ang suspek at nakakulong na ngayon sa Kalibo PNP.

Palagi diumanong nagtutungo sa bahay ng mag-ama si Nonoy kung saan binibigyan din nila ito ng pagkain.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *