Connect with us

Aklan News

61 ANYOS NA LOLO, NAGBIGTI

Published

on

Photo from the web.

Numancia, Aklan – Patay na ng makita ang isang 61 anyos na matanda matapos magbigti kahapon pasado alas 10 ng umaga sa Brgy. Camanci Norte, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Soprio Remano, tubong Brgy. Sugnod, Malinao pero kasalukuyang nakatira sa bahay ng kanyang ate sa Camanci, Norte.

Ayon sa report, mag isa ang biktima sa bahay kahapon matapos umalis ang kanyang ate para magsimba mga alas 7:30 ng umaga. Subalit pag- uwi niya umano nito sa bahay galing simbahan, naabutan na nitong nakabitin na sa kanyang kwarto ang biktima na may tali sa leeg.

Kaagad siyang humingi ng tulong sa Numancia PNP na mabilis namang remusponde sa lugar kasama ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Napag alaman na galing sa Pangasinan ang biktima na hinatid ng kanyang mga pamangkin dahil umano sa iniinda nitong sakit sa kalusugan.

Pinaniniwalaan na dala ng depresyon ang nagtulak sa biktima para kitilin ang kanyang buhay dahil sa umanoy pakiramdam na pabigat na siya sa kanyang pamilya dahil sa kanyang sakit.

Sa tala ng World Health Organization (WHO), halos 800, 000 katao ang nabibiktima ng suicide kada taon na katumbas ng isang buhay tuwing 40 segundo.

Makakatulong sa mga taong may depresyon ang pagtatanong, pakikinig sa kanilang mga problema o pagtawag sa Hopeline.

Ang mga nais na humingi ng tulong ay maaring tumawag sa HOPELINE: (02) 804-4673 o 0917 558 4673.

Program/Beat: Anchorman Todo Arangkada from 5-6pm, Police reporter /Capitol reporter from 5-11Am
Years/background in Media works: From 1987 up to now.
Why chose this profession: To serve as public service for the greatest good and for the greatest number.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *