Connect with us

Aklan News

MOTORISTA NA NAKABANGGA NG BAKA, PATAY

Published

on

Banga – Dead on arrival sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng makabangga ng baka alas 11:00 kagabi sa national highway ng Libas, Banga.

Kinilala ng Banga PNP ang biktimang si Rommel Pioquid Gomez, sa legal na edad at residente ng Talon, Altavas.

Base sa imbistigasyon ng pulis, galing sa Altavas ang biktima papuntang Poblacion, Banga, subalit aksidente umanong nabangga nito ang bakang tumatawid sa kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo at sugat sa katawan ang biktima na kaagad namang dinala ng mga rumespondeng taga MDRRMO sa ospital, subalit wala na itong buhay pagdating doon.

Napag alaman pa sa imbestigasyon na nakawala ang baka sa pagkakatali nito upang hanapin ang napalayo nitong anak hanggang sa nakatawid ito ng kalsada.

Nabalian din umano ito ng kaliwang paa at hindi na makatayo mula sa gitna ng kalsada sanhi ng malakas na pagkakabanga sa kanya ng biktima, dahilan upang katayin na lang ito.

Samantala, nakilala naman ang may-ari ng baka na si Pinena Retino na tutulong din umano sa pamilya ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *