Connect with us

Aklan News

LALAKI NAGKAPROBLEMA SA NOBYA, UMINOM NG ZONROX

Published

on

Malay, Aklan – Nagtangkang magpatiwakal ang isang 21 anyos na lalaki sa pamamagitan ng pag-inom ng zonrox kagabi sa bayan ng Malay.

Salaysay ng biktima, na balak siyang sampahan ng kaso ng tatay ng kanyang 18-anyos na nobya dahil umano sa away nila na humantong sa sakitan.

Ayon pa sa biktima, humingi siya ng tulong sa pulis dahil nais niyang makipagkita sa kanyang nobya at balak niyang ibalik ang mga natitirang gamit nito sa kanilang tinutuluyan.

Ngunit bago siya pumunta ng istasyon ay bumili siya ng zonrox na unti-unti nitong ininom habang naglalakad dala ang mga gamit ng kanyang nobya.

Ayon sa biktima, plano niyang ipakita sa kanyang nobya na magpapakamatay siya ngunit hindi ito pumunta upang kunin ang kanyang gamit.

Napansin na lamang ng mga pulisya na nanghihina na siya at bumubula na ang kanyang bibig at dagling isinugod sa ospital.

Sa ngayon ay patuloy na siyang nagpapagaling sa Aklan Provincial Hospital.

Sinabi naman nito na hindi na niya uulitin ang pagtatangka sa kanyang sarili.

Ang zonrox bleach ay isang uri ng Zonrox bleach ay isang uri ng panglinis na may sangkap na sodium hypochlorite na mapanganib sa katawan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *