Connect with us

Aklan News

DALAWA, SUGATAN SA SALPUKAN NG TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO

Published

on

Dalawa ang sugatan at confined sa ospital matapos magsalpukan ang traysikel at motorsiklo sa corner Mabini St.-Archbishop St., Poblacion, Kalibo bandang alas 11:00 kagabi.

Nakilala ang mga biktimang sina Rey Macahilas Cristobal, 40 anyos ng Andagao, Kalibo at Raymond Valdez Colas, 21 anyos ng Oyotorong St., Poblacion, Kalibo.

Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, nagta-traysikel si Cristobal mula D’Maagma St.,papuntang Roxas Avenue nang mangyari ang insidente.

Paliko na umano kasi ito ng Archbishop St., nang makabanggaan ang nagmomotorsiklong si Colas.

Dahil dito, parehong nagtamo ng sugat sa ulo at mukha ang dalawa na kaagad namang dinala sa ospital ng mga rumespendeng taga MDRRMO.

Dinala naman sa Kalibo PNP Station ang kanilang traysikel at motorsiklo para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *