Connect with us

Aklan News

Motorista patay matapos mahagip ang isang babae at bumangga sa multicab

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos mahagip ng menamaneho niyang motorsiklo ang isang babae at bumangga sa isang multicab sa Brgy. Nasunogan, Dao, Capiz Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang driver na si Filizardo Zalazar, 57-anyos, isang karpentero, at residente ng Brgy. Nagba, Cuartero, Capiz.

Ayon sa ulat ng Dao PNP, binabaybay ng motorista ang kahabaan ng national highway mula Dao town proper nang pagdating sa pinangyarihan ng aksidente ay nahagip niya ang naglalakad na babae.

Kinilala ang babae na si Ma. Cristina Claros, 50, residente ng Bagong Bario, Caloocan.

Matapos mabundol ang babae ay lumihis ang takbo ng motorsiklo sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa isang multicab dahilan para matumba ang parehong sasakyan.

Agad na isinugod ng mga rumespondeng rescuer ang driver ng motorsiklo sa Dao District Hospital pero dineklara itong dead on arrival.

Nagtamo naman ng bali sa kanang paa ang babaeng biktima, naka-confine siya ngayon sa isang pribadong ospital sa Roxas City.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *