Connect with us

Aklan News

Lalaki patay matapos barilin sa Mambusao, Capiz; motibo away sa lupa

Published

on

Patay ang isang 40-anyos na lalaki matapos barilin ng isang magsasaka sa Brgy. Bunga, Mambusao, Capiz.

Kinilala sa ulat ng Mambusao PNP ang biktima na si Niño Legazpi, residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang suspek na si Alfredo Llanto, 55-anyos.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nag-aarado ang suspek nang lapitan siya ng biktima para sawayin sa pag-aarado.

Nauwi sa mainit na diskusyon ang dalawa nang bumunot ng kanyang 12 gauge homemade shotgun ang suspek at binaril ang biktima.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Mambusao District Hospital pero hindi na ito umabot nang buhay ayon sa doktor.

Tinutugis pa ng kapulisan ang tumakas na suspek matapos ang insidente.

Away sa lupa ang tinitingnang motibo ng kapulisan sa nangyaring krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *