Connect with us

Aklan News

Forex Investments scam queen ng Capiz, kasabwat arestado

Published

on

Arestado ang dalawa sa limang suspek sa likod ng Php600-million large-scale investment scam sa Capiz.

Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Metro Manila ang suspek na si Lourdes Baarde, 42-anyos, residente ng Brgy.  Baybay, Roxas City.

Naaresto din ang kasabwat niya na si Joel Domayan, 28, sa kanyang residensiya sa South Triangle, Quezon City.

Si Baarde ay dating revenue officer sa Bureau of Internal Revenue sa Roxas City.

Nabatid na nasa 800 investors ang kaniyang naloko sa kanyang kompanya na Forex Investments sa pangakong 25 percent monthly interest.

Dinala na sa Roxas City ang dalawang akusado at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Nahaharap ang dalawa sa kasong Syndicated Estafa. Walang itinakdang pyansa ang korte sa kanyang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *