Connect with us

Aklan News

Dahil sa hindi pagkakaintindihan, babae at karelasyong tomboy, tumalon sa tulay

Published

on

Isang babae ang tumalon mula sa tulay sa San Roque Road, Roxas City umaga  ng Biyernes dahil sa hindi umano nila pagkakaunawaan ng karelasyong tomboy.

Napag-alaman na magkasamang naglalakad ang magkarelasyon habang patawid ng tulay sa nasabing lugar kung saan tumalon ang babae.

Ayon pa sa mga nakasaksi, agad ring tumalon ang tomboy sa ilog pero umahon din pagdating ng mga rescuers at tumakas sa lugar.

Nailigtas ng rumespondeng rescue team ang babae na napag-alaman edad 23-anyos, residente ng Sigma, Capiz at agad dinala sa ospital.

Sa ngayon, nakalabas na ng ospital ang babae at nasa ligtas na na kalagayan.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinag-awayan ng dalawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *