Connect with us

Aklan News

Capizeña na military nurse sinaksak, patay sa Makati City

Published

on

Patay ang isang Capizeña na military nurse matapos saksakin ng isang construction worker sa Makati City dakong alas-2 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si 2nd Lieutenant Jenneth Beron Aguilar, 31, nurse sa Armed Forces of the Philippines Hospital- V. Luna.

Kinilala naman ang suspek na si John Louie Brosas, 19-anyos, ng Brgy. Martirez, Pateros.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Makati City PNP, pilit umanong inaagaw ng suspek ang cellphone ng biktima habang nag-aabang ito ng jeep.

Dahil ayaw ibigay ng biktima, dito na sinaksak ng suspek ang military nurse nang makalawang beses. Nagtamo ito ng malubhang sugat sa dibdib.

Naisugod pa sa Ospital ng Makati (OsMak) si Aguilar pero binawian rin ito ng buhay.

Naaresto naman ng kapulisan ang suspek at nasabat sa kanya ang cellphone ng biktima.

Napag-alaman na magkalapit lang ang bahay ng biktima sa construction site ng suspek kaya magkakilala ang mga ito katunayan, binibigyan pa niya ng pagkain kung minsan ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *