Connect with us

Aklan News

4 sachet ng shabu nasabat sa isang 27-anyos na lalaki sa Mambusao, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 27-anyos na lalaki sa Mambusao, Capiz matapos maaktuhan ng kapulisan na nagtutulak ng iligal na droga.

Kinilala ang suspek na si Key John Rufino, residente ng Brgy. Poblacion Tabuc, Mambusao kung saan ikinasa ang buy bust operation.

Nasabat sa kanya ng mga tauhan ng Mambusao PNP ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu, Php1,000 buy bust money, at cellphone.

Isasailalim sa mandatory drug testing ang suspek habang isasailalim naman sa laboratory examination ang mga nakumpiskang alleged sachets of shabu.

Pansamantalang ikinulong sa Mambusao PNP Station ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya – kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(KaTodo Butchoy/KaTodo Darwin Tapayan)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *