Connect with us

Aklan News

11 sachets ng shabu, baril narekober sa isang lalaki sa buy bust ops sa Roxas City

Published

on

Arestado ang isang lalaki sa drug buy bust operation sa New Road, Brgy. Banica, Roxas City araw ng Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Albert Joseph Torres alyas Alog, 32-anyos, ng nasabing lugar.

Nasabat ng Roxas City PNP ang 11 sachet ng pinaniwalaang shabu at isang .22 caliber revolver, Php1,000,  cellphone, susi ng motorsiklo, at mga drug paraphernalia.

Napag-alaman na ilang araw nang minomonitor ng kapulisan ang suspek.

Nabatid na sa kanya kumukuha ng suplay ng droga ang naarestong high value target drug personality kamakailan sa Pueblo de Panay sa Brgy. Lawaan, Roxas City.

Kasama ng suspek ang ilang parokyano sa kaniyang bahay nang isinagawa ng kapulisan operasyon pero nakatakas ang mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *