Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PANGHIHIPO SA ISANG DALAGA, ARESTADO NA; ILAN PANG BIKTIMA, NAGLITAWAN

Published

on

By: Malbert Dalida

Kalibo – Arestado na nitong hapon ang suspek sa panghihipo sa isang dalaga sa Brgy. Estancia, Kalibo kahapon ng tanghali. Kasunod nito, naglitawan din sa Kalibo PNP Station ang ilan pa sa mga sinasabing nabiktima rin ng suspek na nakilalang si Christian Martinez, 25 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia. Pinuntahan ng mga elemento ng Kalibo PNP ang suspek sa kanyang pinagtatrabahuan sa Roxas Avenue, Poblacion, Kalibo at inimbitahan upang maimbistigahan matapos umanong tumugma ang deskripsyon ng motorsiklo nito sa motorsiklong ginamit ng suspek sa panghihipo kahapon. Bagama’t aminadong in-ispreyhan niya kagabi ang kanyang motorsiklo matapos pagsabihan siya ng kanyang barkada tungkol sa pagkakahawig ng kanilang motorsiklo, todo-tanggi naman ang suspek sa mga akusasyon laban sa kanya. Samantala, may ilan pang hinipuan rin umano ng suspek nitong mga nakaraang buwan ang pumunta sa Kalibo PNP Station at positibo siyang kinilala ng mga ito. Dahil dito, pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *