Connect with us

Aklan News

Pagbabawal sa glass bottle sa Sinadya sa Halaran isinusulong

Published

on

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panglungsod ang pagbabawal ng glass bottle sa kasagsagan ng selebrasyon ng Sinadya sa Halaran sa Roxas City.

Sa kanyang privilege speech sa Sangguniang Panglungsod, pinahayag ni Konsehal Yap na layunin nito na maiwasan ang mga sakuna na posibleng idulot ng mga glass bottle.

Aniya maaari kasing gamitin ang mga glass bottle bilang armas.

Dagdag pa ng konsehal na una nang napag-usapan ang panukalang ito sa Committee on Sinadya sa Halaran ng City Government.

Paliwanag ng opisyal hindi naman ipagbabawal ang pagbebenta ng mga glass bottle drink. Papayuhan aniya ang mga tindero na ilipat sa plastik o sa ibang lalagyan ang mga ito.

Nakatakdang magsumite ng draft ordinance ang konsehal at agad itong isasailalim sa pagdinig ng komitiba sa konseho.

Ang Halaran ay ipagdiriwang sa Disyembre 4 hanggang 9.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *