Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGLALAKAD, NAKURYENTE, PATAY

Published

on

By: Malbert Dalida

Makato – Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos makuryente pasado alas 7:00 nitong gabi sa Tibiawan, Makato. Kinilala ni Police Staff Sergeant Jover Zubiaga ang biktimang si Antonio Puod Jarce, 36 anyos ng nasabing lugar. Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, naglalakad pauwi sa bahagi ng National Housing project sa lugar ang biktima nang posible umanong madaanan nito ang nakalaylay na kawad ng kuryente at inayos, subalit nakuryente ito. Nadaanan na lamang umano ito ng ilang tao sa lugar at sinaklolohan, subalit wala na itong buhay pagdating sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *